DND at DOH, may bago nang kalihim

Magbabalik bilang kalihim ng Department of National Defense si Gilberto Teodoro Jr.

Samantalang ang bagong kalihim naman ng Department of Health ay si Dr. Teodoro Herbosa.

Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sina Teodoro at Herbosa kasunod ng kaniyang pulong kina DND senior Undersecretary Carlito Galvez Jr at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire

Sa pahayag ng Malacanang, sinasabing malawak ang naging karanasan ni Teodoro sa private at public sector, naging kongresista at naging kalihim ng DND noong Gloria Arroyo administration.

Samantalang si Herbosa ay  naging Undersecretary na ng DOH, dating National Task Force Against COVID-19 adviser at may malawak na  karanasan pagdating sa health care system.

Kasunod ng pagkakatalaga kay Herbosa, sinabi ni USec. Vergeire na makakaasa ang bagong kalihim sa “taos-pusong suporta sa kanya ng buong DOH.”//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *