DND, giniit na walang karapatan ang China na diktihan ang Pilipinas

Iginiit ng Department of National Defense na walang karapatan ang China na diktahan ang Pilipinas kung ano ang puwede at hindi puwede nitong gawin sa sarili nitong teritoryo.

Tugon ito sa pagsita ng Chinese foreign ministry sa isinasagawang sa pagpapalakas ng bansa sa Batanes.

Ayon sa DND mandato nitong bantayan at ipagtanggol ang pambansang teritoryo kabilang na ang Batanes.

Itinataguyod lang aniya ng DND ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept para mapunan ang pangangailangan sa mga pasilidad at tauhan.

Tigilan na umano ng China ang kanilang patutsada at mapangahas na kilos para makuha nila ang tiwala at respeto na matagal na nilang hinahangad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *