DND: Janitorial staff – posibleng mapasok ng mga espiya!

Ipinatigil ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro ang outsourcing ng mga manpower services tulad ng janitorial staff sa kagawaran.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang mga trabahador mula sa mga manpower Agency tulad ng mga janitor, na hindi properly motivated ay potensyal na target para sa pang-eespiya.

Kaya maging aniya ang mga regular contractor ng kagawaran at militar ay ipinasailalim niya sa mahigpit na vetting.

Dagdag ng kalihim, ongoing ngayon ang full Security review sa DND at AFP mula sa itaas hanggang sa ibaba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *