Document investigation ng ICC sa war on drugs ni dating PRRD, tila patapos na raw

Posibleng patapos na raw ang unang bahagi ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kaugnay na magdugo at kontrobersyal na kampanya kontra-ilegal na droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Neri Colmenares kasunod ng paghahanap ng ICC ng mga mga field interpreters.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Colmenares, sinabi nitong maaaring patapos na ang document investigation.

Samantala, binigyang-diin din ni Colmenares na napakalaking bagay na tila nagbabago na ang posisyon ng gobyerno pagdating sa imbestigasyon ng ICC.

Dahil daw kasi dito, mas magiging maluwag na ang pagkuha ng impormasyon at mga datos, at may mga ahensya rin ng pamahalaan na magiging bukas makipag-cooperate sa international court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *