DOE, isinisisi rin sa NGCP ang nangyaring brownout sa Western Visayas

Isinisisi rin ng Department of Energy ang pagkawala ng kuryente sa Western Visayas sa National Grid Corporation of the Philippines.

Ayon kay DOE Sec. Raphael Lotilla, may kakayahan ang NGCP na maiwasan ang malawakang brownout kung ginawa lang nito ang kanilang trabaho.

Sinabi pa ni Lotilla, na dapat nag-utos ito agad ng manual load dropping o rotational brownout para hindi bumagsak ang buong electricity bill.

Tugon naman ng NGCP na ang load dropping ay ginagawa para ma-control ang boltage.

Wala naman aniyang boltahe at stable ang lagay nito kaya walang dahilan para mag-load drop sila.

Nagkakasa naman ng imbestigasyon ang Kamara at Senado hinggil sa isyu lalo na’t pangalawang beses ng nangyari ito sa Panay Island matapos na magkaroon din ng malawakang brownout noong April 2023.

Gusto rin ni Sen. Raffy Tulfo na ipa-review ang prangkisa ng NGCP bagay na handa namang harapin ng NGCP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *