DOE, NGCP, ERC – kinalampag ng ilang Senador dahil sa power outage sa Panay

Suportado ng ilang senador ang pagkakaroon ng imbestigasyon sa sa kawalan ng kuryente sa Panay, Guimaras at Negros.

Ayon kay Senador Chiz Escudero, hindi lang dapat ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang idadaan sa imbestigasyon dahil dapat ding isama rito ang mga power generation plants.

Sabi ni Escudero, ang power ay binubuo ng generation, transmission at distribution kung kaya’t dapat tignan ang lahat ng ito upang magkaroon ng “complete picture” kung paano ito maiiwasan.

Kaugnay nito, nanawagan naman din si Senador Win Gatchalian sa NGCP, Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing power interruption na nakaapekto sa maraming lugar.

Ayon kay Gatchalian, marapat ding magpatupad ng agarang hakbang ang DOE, NGCP at ERC upang maiwasan itong mangyari ulit.

Samantala, tiniyak din niya na patuloy niyang susubaybayan ang nasabing sitwasyon lalo na’t hindi katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng malawakang power outage sa pagsisimula pa lang ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *