DOE, pina-iingatan ang mga bakuna sa storage facilities sa gitna ng mga posibleng brownouts

Inalerto ng Department of Energy (DOE) ang mga concerned officials na ipanatili ang koordinasyon para matiyak na protektado ang mga COVID-19 vaccines sa cold storage sa gitna ng posibleng mga brownout. 

Sa isang panayam, sinabi ni DOE Undersecretary William Fuentebella na dapat ay tuloy-tuloy ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan sa Inter-Agency Task Force (IATF) para masigurong di masisira ang mga bakuna. 

Ginawa ni Fuentebella ang pahayag kasabay ng pagsasailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid sa alert status ngayong araw at ipatutupad muli ang alerto bukas. 

Iminungkahi ng DOE na magkaroon ng backup system para ma-manage ang sitwasyon kabilang ang backup sa NGCP, distribution utility, at lokasyon ng storage facilities ng mga bakuna. 

Sinabi ni Fuentebella na dapat ay tukuyin ang mga areas na mayroong cold storage facilities para sa vaccines nang di maisama ang mga ito sa rotational power interruptions. 

Aniya, inaasahan ng DOE na mag-iimprove na ang mga reserves ngayong inaasahan na ang pagdating ng tag-ulan na magiging dahilan ng bawas sa paggamit ng air conditioners at electric fans

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *