DOE – sapat ang kuryente sa gitna ng nakaambang pagnipis nito sa Marso

Sa kabila ng inaasahang pagnipis ng reserba ng kuryente sa tag-init – siniguro ng Department of Energy (DOE) na may sapat na supply ng kuryente ang bansa.

Ito ay kasunod ng naging anunsyo kamakailan ng ahensya, kung saan sinabing itataas sa yellow alert level status ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng supply ng energy power.

Sa buwan kasi ng Mayo, inaasahang magkakaroon ng peak demand ang Luzon grid sa pagkonsumo ng kuryente, ngunit hindi naman nakitang itataas ang lugar sa red alert level status.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOE Usec at Spokesperson Rowena Guevara na ang dahilan umano ng pagtataas sa naturang alert level status ay ang delay sa power generation, transmission, at iba pang energy facilities na dapat ay nakumpleto na noong 2022.

Paliwanag ni Guevara, magkakaroon pa ng karagdagang supply na 1,000 megawatts (MW) sa Luzon; 58.7 MW sa Visayas; at 94.9 MW sa Mindanao.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *