DOF at DBM, suportado ang revised IRR ng MIF

Suportado ng Department of Finance o DOF at ng Department of Budget and Management o DBM ang revision ng Implementing Rules and Regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang enhancement sa bagong IRR ay naaayon sa batas, na naglalayong mas mapatatag ang istruktura ng pamamahala ng korporasyon.

Partikular na tinukoy ng kalihim ang pagtiyak sa independence ng Board of Directors ng Maharlika Investment Corporations, para magbigay daan sa pagbuo ng credible oversight at risk management bodies, upang matiyak ang epektibong pamamahala sa pondo.

Sinabi pa ni Diokno na napapanahon ang pagsasapinal ng IRR ng MIF, dahil sa pagdami ng interes ng mga local at foreign investor sa kauna-unahang sovereign wealth fund ng bansa.

Ayon naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, tiwala syang gagawin ng mga mamumuno ng MIC ang kanilang makakaya upang maging matagumpay ang layunin ng MIF.

Kumpyansa rin syang kasabay ng pag gulong ng operasyon ng MIF ay lalakas din ang job creation at ang poverty reduction.

Naniniwala rin ang dalawang kalihim na patunay ito ng commitment ng Marcos administration na

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *