DOF – ‘manageable’ pa rin ang ekonomiya ng bansa

Nanindigan si Finance Sec. Ralph Recto na ‘on-track’ pa rin naman ang Gobyerno para sa pagpapababa ng utang ng Pilipinas.

Ito ang tiniyak ng Kalihim kasunod ng pagtatapos ng taong 2023 na may bagong record-high debt ang Pilipinas sa P14.62Trillion ayon sa Bureau of Treasury.

Bumagal din ang paglago ng ekonomiya sa 5.6% nitong 2023 kung saan ay bigong makamit ang target ng Pamahalaan.

Sabi ni Recto – nagresulta pa rin naman ito sa 60.2% na debt-to-GDP ratio.

Kaya pa rin daw ng Gobyerno na mapababa pa ito ng hanggang 60% hanggang 2025.

Sabi pa ng Kalihim, mayroong mga nakalatag na ‘sound’ and ‘prudent strategies’ ang Gobyerno para ma-mitigate ang mga epekto nito at makamit pa rin ang kanilang target.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *