DOF, tiniyak ang pagkakaroon ng mga job-generating investments sa kabila ng pagbaba ng unemployment rate sa bansa

Target ipagpatuloy ng pamahalaan na makakuha ng mas maraming job-generating investments, kasabay ng pagbaba ng unemployment rate sa 4.8 noong Hulyo.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin E. Diokno, pananatilihin nmg gobyerno ang macroeconomic environment, at ang pagsusulong ng structural reforms upang makatulong sa pagpapalakas ng employment sa Pilipinas.

Ayon kay Diokno, ang datos noong Hulyo ay nagpapakita na ang jobs market sa bansa ay nananatiling matatag.

Upang ma-sustain ang magandang status na ito, tiniyak ng kalihim ang pagkuha ng job-generating investments, maging ang pagpalakas ng pagnenegosyo at productivity sa Pilipinas.

Pinai-intensify din umano nila ang pagpapatupad ng angkop na mga polisiya at mga hakbang upang makatulong sa pag-upgrade ng kaalaman at kakayahn ng workforce, lalo na ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang productivity, competitiveness, at employability.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *