DOH Bicol, aminadong hindi lahat ng mga LGUs ay nakakasunod sa health protocols sa mga evacuation centers

LEGAZPI CITY – Aminado ang Department of Health (DOH) Bicol na hindi lahat ng lokal na pamahalaan sa Albay ay nakakasunod sa mga ipinatutupad na health protocols sa mga evacuation centers.

Ito ang inihayag ni DOH Bicol Regional Director Ernie Vera sa Brigada News FM Legazpi matapos bisitahin ang evacuation center sa San Jose Elementary School kahapon.

Ayon kay Vera, kailangan pa ring ipatupad ng local chief executives ang health protocols sa mga evacuation centers.

Aniya, kung sakaling mang sumobra sa loob ng evacuation center ang mga pamilya o kaya naman ay kulangin sa paglalagyan ng mga evacuees ay kailangan lamang nilang magrequest sa Department of Education (DEPED).

Sinabi ng opisyal, para naman sa kanilang kabutihan at kaligtasan pagdating sa mga sakit ang mga ipinatutupad na health protocols. Kung patuloy kasi na hindi sumunod, maaaring maranasan ng evacuees lalo na sa mga bata ang mga sakit tulad ng tigdas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *