Local News

DOH Bicol-Center for Health Development, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas, rubella at polio

Hinikayat ng Department of Health Bicol Center for Health Development ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa pagsisimula ng Chikiting Ligtas 2023’ immunization drive vs measles, rubella, and polio ngayong araw ng Lunes Mayo 1.

Hakbang aniya upang lahat ng mga edad 9 hanggang 59 buwang gulang ay mabigyan ng bakuna kontra tigdas at rubella at bakuna kontra polio naman para mga 0 hanggang 59 months old.

Matatandaan na dahil sa takot sa bakuna kontra Covid-19 ay maraming mga magulang ang hindi pinabukanahan ang kanilang mga anak sa mga nakaraang taon kung kaya mayroon pa ring mga batang lagpas na nasabing edad ang wala pa ring bakuna laban sa nasabing mga karamdaman.

Pagtitiyak ng DOH-CHD walang dapat na ikatakot ang mga magulang dahil ang nasabing mga bakuna ay ‘tried and tested’ na at tiyak na ligtas ang mga ito.

Ang vaccination drive ay magtatagal hanggang sa Mayo 31.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

13 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

13 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

13 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

14 hours ago