DOH -Bicol ikinagalak ang pagtaas ng vaccination coverage rate ng health care workers ng Camarines Sur sa 86%

NAGA CITY- Mula sa 44% tumaas na sa 86% ang coverage rate ng healthcare workers vaccination status ng Camarines Sur.

Ito ang masayang ibinahagi ni Department of Health Bicol Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino.  Ito aniya ang resulta ng kanilang pakikipagpulong sa mga alkalde  at iba pang opisyal kung saan mababa ang vaccination rate.

Aminado si Avelino na nahirapang umusad ang vaccination rollout dalawang linggo na ang nakararaan.

Gayunpaman , binigyan diin nitong 100% parin ang dapat ang vaccination coverage para sa kaligtasan ng mga health personnel at kanilang pamilya.

Sa tala ng DOH Bicol , 53 ang bagong COVID cases sa lalawigan kahapon.

(photo: Provincial Health Office Cam Sur)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *