DOH Bicol, inilatag ang mga aktibidad pangkalusugan kaugnay sa mga pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo

LEGAZPI CITY – Inilatag na ng Department of Health (DOH) Bicol ang kanilang mga aktibidad pangkalusugan kaugnay ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.

Sa isang press conference ng ahensya, inihayag na nito ang kanilang kampanya na may temang “Healthy diet, gawing affordable for all!”

Bukod naman sa pagdiriwang ng Nutrition Month, ang buwang ito ay National Deworming Month, kung saan isinusulong ng ahensya ang pagpuksa sa intestinal parasitism sa mga bata sa tulong ng mga local government units (LGU) at mga paaralan sa buong bansa.

Maliban dito, ipagdiriwang din ang National Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Day sa Hulyo 17, National Disability and Prevention Rehabilitation Week sa ikatlong linggo ng buwan, habang sa ikaapat naman na linggo ay ang Diabetes Awareness Week.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *