DOH Bicol nagpadala ng samples sa PGC upang matukoy kung mayroon ng bagong variant ng COVID-19 sa rehiyon

BICOL—Nagpadala ng mga samples ang Department of Health (DOH) Bicol sa Philippine Genome Center (PGC) upang matukoy kung mayroon nang nakapasok na bagong variant ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa gitna ito ng tumataas na bilang ng mga tinatamaan ng sakit kada araw sa Bicol.

Ayon kay DOH Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino, sa ngayon ay ang mother strain pa rin ng sakit ang ikinokonsiderang nakakahawa sa mga nadadapuan ng virus sa rehiyon.

Pero hindi umano dapat magkampante ang mga Bicolano na hindi pa nakakapasok ang bagong variant at sa halip ay dapat pang palakasin ng bawat lokal na pamahalaan ang kampanya sa pagpapatupad ng health protocol.

Pinayuhan din ang publiko na huwag ibabalewala ang ipinatutupad na mga panuntunan sa paglaban sa COVID-19.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng mga ipinadalang samples sa PGC.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *