DOH Bicol nakita ang bahagyang pagbaba ng COVID-cases sa Camarines Sur

NAGA CITY- Ikinatuwa ng Department of Health Bicol ang nakitang bahagyang pagbaba ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Sur.

Hindi na inisa-isa ni Assistant Regional Director Dr. Ferchito Avelino ang mga bayang ito. Subalit sa pangkahalatan at kung titinggan ang record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO)‚Äč mayroon na lamang 25, 32, 29, 60, 41, 42, kahapon ay 43 mababa kaysa sa 78, 80 o nasa 100 single day cases noong mga nagdaang linggo.

Sa kabila nito napansin din ng DOH Bicol na mayroong ilang bayan na dating halos walang naitatalang kaso ngunit ngayon ay unti-unding nadaragdagan , sitwasyong dapat aniyang mas bantayan.

Matatandaan na 31 bayan kasama ang isang lungsod ang isinailalim sa General Community Quarantine ng Provincial Government, inaasahang mas magiging istrikto sa pagpapasunod ng health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *