DOH Bicol nilinaw kung bakit nanatili ang rehiyon sa alert level 2

LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Department of Health Bicol kung bakit nanatili sa Alert Level 2 Status ang buong rehiyon.
Dahilan umano kung bakit hindi pa naibaba sa Alert Level 1 ang rehiyon dahil sa mababang bilang ng fully vaccinated na mga Bicolanos at Senior Citizens.

Ayon kay Dr. Monrey Mancilla ng DOH-Bicol, ang dahilan kung bakit hindi pa maka deescalate ang mga lungsod at probinsya sa rehiyon ay dahil mataas parin ang bilang ng mga hindi fully vaccinated.

Ang mababang Healthcare Utilization, mababang bilang ng COVID-19 cases, at mataas na bilang ng mga fully vaccinated ang mga kailangan upang maibaba sa alert level 1 status ang rehiyon.

Dagdag pa ng ahensya, sa kasalukuyan, mababa na ang Healthcare Utilization na nasa low risk na at COVID-19 cases na meron lamang isang kasong naitala.

Hinihikayat ng DOH Bicol na magpabakuna na sa pinakamalapit na na vaccination center upang hindi lamang maprotektahan ang sarili sa banta ng virus kundi para magkaroon na sa better normal status ang rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *