DOH-Bicol, target na mabakunahan kontra polio ang 95% ng mga sanggol at kabataan para maabot ang herd immunity

BICOL – Target ngayon ng Department of Health o DOH-Bicol na mabakunahan ang 95% ng mga sanggol at mga kabataan hanggang edad 5-anyos para makamit ang herd immunity laban sa sakit na polio.

Kaugnay nito, patuloy ang paghikayat ng ahensya sa mga magulang na samantalahin ang nagpapatuloy na Bivalent Oral Poliomyelitis Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV SIA) sa iba’t ibang provincial health offices.

Ang bOPV SIA, na tinatawag rin na “Chikiting Ligtas is Bak”, ay ang pagpapatuloy ng Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR

OPV SIA) na isinagawa noong Oktubre hanggang Disyembre 2020 at ipinagpatuloy lamang ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Dr. Monley Isaiah Mancilla, Regional Medical Coordinator ng National Immunization Program, ang mga batang nabakunahan kontra polio ay maaari pa ring makilahok sa gaganaping bOPV SIA at tumanggap ng karagdagang dosis ng bakuna.

Pagbibigay-diin ni Mancilla, walang overdose sa vaccination. Ligtas ang booster shots at ito umano ay ‘highly-encouraged’.

Kapag aniya nakalimutan ng nanay kung nabakunahan na ang kanilang mga anak, ang sagot ay pabakunahan na kaagad. Hindi umano dapat mag-settle ang publiko sa hindi tiyak lalo nak ung proteksyon ng anak ang pag uusapan.

Ang bOPV SIA ay magaganap hanggang ika-28 ng Mayo at isasagawa sa pamamagitan ng fixed vaccination site at sa pag-ikot sa bawat bahay sa komunidad.

Photo courtesy: unicef

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *