DOH, binabantayan ang lifestyle diseases ng mga Pilipino ngayong holiday season

Binabantayan ng Department of Health ang lifestyle diseases gaya ng heart attack, stroke, diabetes, at cancer na nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.

Payo ng mga eksperto siguraduhing huwag lalabis sa pagkunsumo ng mga pagkaing hindi maganda sa kalusugan para maiwasan ang sakit.

Sinabi ni Dr. Timothy Dy nangyayari ang heart attack kapag nagkakaroon ng bara sa isang heart artery habang ang stroke naman ay yung pagbara o pagputok brain artery.

Major risks factor para sa mga naturang sakit ang altapresyon, diabetes, paninigarilyo, mataas ang cholesterol, at family history.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *