DOH Camarines Sur pinakakalma ang mga residente subalit pinag-iingat sa kumpirmadong COVID Alpha at Beta variants

NAGA CITY-  11 COVID Alpha variants na ang naitala sa Bicol Region , 8 dito ay mula sa Camarines Sur,  tig-iisa ang Naga City, lalawigan ng Masbate at Sorsogon. Sa 22 Beta variants naman 8 ang mula sa Camarines Sur , 4  sa Naga City.

Mababatid na ayon sa mga eksperto mas nakakahawa ang naturang mga variants.

Abril 14 at 18 nang ipadala sa Philippine Genome Center (PGC) ang mga specimen at nitong Hulyo 21 nang matanggap ng DOH ang resulta. Kinumpirma naman ng Regional Epidemiological Surveillance Unit (RESU) sa Local ESUs na nakarekober na ang lahat ng mga tinamaan ng COVID-19 variants sa rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DOH Provincial Officer Dr. Rey Millena , sinabi nitong huwag magpanic,  kumalma lamang at ingatan ang sarili; tamang pagsuot ng facemask, pagdistansya sa iba, palaging paghuhugas ng kamay at ilan pa.

Dapat aniyan  alam ang gagawin at lalo pa ang pagpapabakuna upang maiwasan ang anumang variants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *