Covid Update

DOH: COVID-19 infections, bababa sa 730 Pebrero

Posibleng umabot na lamang sa hanggang 730 cases ang maitatala sa ikalawang linggo ng Pebrero kahit na mayroon pang mga bagong variants ng COVID-19 na nakapasok sa bansa.

Sa Media Forum, sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ganitong lebeel na lamang ang nakikita nila batay sa projections ng Kagawaran.

Nagkaroon na rin umano ng plateau sa COVID-19 cases, at tuluy-tuloy na rin ang pagbaba ng mga naitatalang kaso sa buong bansa.

Hinihintay naman ang resulta ng genome sequencing sa walong mga Pilipino mula sa China na nag-positibo sa COVID-19.

Hindi na rin aniya ‘significant’ ang 1% increase sa cases na dulot naman ng nagdaang Holdiay season.

Tuluy-tuloyn aman ang monitoring ng DOH sa posibleng pagtaas ng kaso na idinulot ng mga kaganapang may kinalaman sa Pista ng Itim na Nazareno sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Muli namang sinabi ni Vergeire na inaaral pa nila ang iba pang mga ‘options’ para ipagpatuloy pa rin ang immunization program.

Ito ay dahil sa pagiging malamig ni Pangulong Bongbong Marcos sa sa extension ng nationwide state of calamity declaration.

Matatandaaang dahil hindi na na-extend ang deklarasyon nito, nawalan na ng bisa ang mga emergency use authorizations (EUA) na inisyu sa mga bakuna, emergency allowances, tax exemptions, at procurements ng mga bakuna.
#

READ MORE:

OCTA: Bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19 sa buong bansa, tuloy sa pagbaba

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

12 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

12 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago