Tutulungan ng pamahalaan ang mga public transport drivers at operators na makatugon sa sumisirit na presyo ng gasolina at diesel sa pamamagitan ng one-time fuel assistance.
Ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, nakapagsumite na ang Department of Transportation (DOTr) ng isang joint memorandum circular (JMC) para sa isa pang round ng fuel subsidies para sa public utility vehicles (PUVs).
Mababatid na sinabi ng DBM na ipamimigay lamang ang naturang subsidiya sa sandaling maipasa na ang JMC na naglalaman ng mga alituntunin para sa programa.
Paliwanag ni Pangandaman, may mga pending pang dokumento ang DOTr, pero tiniyak ng ahensya na ang budget sa fuel subsidy ay ilalabas na ngayong linggo.
Kung maaalala, na-delay ang pamamahagi ng subsidiya noong nakaraang buwan dahil sa requirements ng bagong JMC.
Binigyang-diin ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na nakalulungkot na maraming mga Pilipino ang…
BNFM BICOL-INILABAS na ng Civil Service Commission O CSC Bicol ang listahan na naglalaman ng…
NAGA CITY – Nakabantay ngayon ang City Social Welfare and Development Office sa alinmang pamilya…
NAGA CITY - Mandato bilang Local Economic Enterprise at dumaan sa assessment ang panibagong terminal…
Pansamantala nang nakalaya mula sa pagkakakulong ang anim na aktibistang inaresto ng pulisya sa kasagsagan…
GIAWHAG sa usa ka konsehal ang Legal Office sa GenSan nga hatagan og legal nga…