DOH: Di kailangang mag-panic re: Bagong COVID variant na nadetect sa Vietnam

Wala umanong dapat na ikabahala kaugnay sa bagong coronavirus variant na nadetect sa Vietnam, na kumbinasyon ng Indian at UK COVID-19 variants na madaling kumakalat sa pamamagitan ng hangin.

Kaugnay nito, binigyang diin ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire na hindi pa nakatanggap ang World Health Organization ng buong detalye kaugnay sa naturang variant.

Dagdag ni Vergeire, hinihintay pa ng WHO ang full report kaugnay sa variant upang makapagbigay ng guidance sa member-countries.

Sa ngayon, tanging ang pag-igtingin pa rin sa pagpapatupad ng minimum health protocols, ang makakatulong para makaiwas sa naturang virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *