DOH doble kayod kontra pandemic matapos pumalo sa 1-M ang COVID-19 cases

Doble kayod na ang Department of Health (DOH) sa pagtugon sa pandemya ngayong pumalo na sa isang milyon ang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dinodoble na ng DOH ang efforts sa paglaban sa pandemya kabilang ang pagpapaganda sa localized response, pag-expand ng health system, pagpapalakas ng ating testing capacity, at pag-improve sa isolation facilities.

Aniya, ginagawa na ng DOH ang mga ito kahit noong simula pa lamang ng pandemic sa kabila ng limitadong resources.

Umapela naman si Vergeire sa mga indibidwal na nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 na agad i-isolate ang mga sarili para maiwasang makahawa.

Kahit umano kasi bumaba na ang reproduction rate sa National Capital Region (NCR) simula nang ipatupad ang mas mahigpit na quarantine protocols nitong katapusan ng Marso, nananatili pa ring mataas ang daily attack rate kaya di pwedeng magpakampante.

Mababatid na kahapon ay pumalo na sa 1,006,428 ang COVID-19 infections sa bansa, ang total active cases ay 74,623, kung saan 95.4 percent aang mild, 1.4 percent ang asymptomatic, 1.3 percent ang severe, at 1 percent ay critical cases. (VELLA GONZAGA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *