DOH, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak

Pinangunahan ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang huling araw ng ‘Bakunahang Bayan 2’, ‘o ‘yung three-day special vaccination sa Almanza Health Center, Las Piñas City.

Ito pa rin ay bilang bahagi ng programa ng Health Department na mapataas pa ang vaccination rate sa pediatic age group edad lima hanggang labing-isa; at sa adolecsent group na edad labingdalawa pataas.

Sa ilalim nito, babakunahan ang mga natitirang 5-11 year-olds ng kanilang primary series; habang booster shots naman para sa edad 12-17.

Ayon kay Vergeire, mahalagang mabakunahan ang mga kabataan bilang proteksyon laban sa nakahahawang COVID-19 virus lalo na’t bumalik na ang face-to-face classes.

Tuloy naman ang panghihikayat ng Health official sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak.

Bago ito, una nang sinabi ni Vergeire kahapon sa DOH Media Forum na hindi nila isinasantabi ang posibildiad na palawigin pa ang naturang programa.

Sa pinakahuling datos ng Kagawaran, 48.9% pa lamang ng 5-11-year-old age group ang nababakunahan.

Katumbas ito ng higit 5.5 million na nabakunahan – wala pa sa kalahati ng target na 10.8 million.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *