DOH, ibinahaging pananakit ng ulo at lagnat ang nadalasang reklamo ng mga Pilipino matapos ang COVID-19 vaccination

Inihayag ng mga isang opisyal mula sa Department of Health na ang kadalasang adverse effect na napapaulat sa mga Pilipinong nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca vaccines, ay sakit sa ulo at lagnat.

Dahil dito, hindi umano ito dapat magdulot ng takot sa publiko para magpabakuna.

Ayon kay Dr. Eileen Alikpala Cuajunco ng National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC), mula sa 1.16 million doses ng COVID-19 jabs na itinurok sa Pilipinas, 24,761 ang mga napaulat ng adverse effects sa bansa sa pagitan ng March 1 at April 11.

Sa datos ng DOH, lumalabas na ang ilan sa mga nabakunahan ng Sinovac ay nakaranas ng pagtaas ng blood pressure; headache; vaccination site pain; pagkahilo, at rashes, habang sa mga nabakunahan ng AstraZeneca ay nakaranas naman ng lagnat; headache; vaccination site pain; chills at myalgia.

Ang side effects ay posible umanong mangyari matapos mabakunahan kung ang pasyente ay mayroong stress-related response o allergy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *