DOH, ibinasura ang claim na umano’y mataas ang COVID-19 deaths vs napapaulat

Ibinasura ng Department of Health ang pahayag ng isang grupo na ang COVID-19 deaths sa Pilipinas ay doble pa kumpara sa napapaulat.

Mababatid na sinabi ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines na batay umano sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang mahigit 105,000 total COVID deaths, kumpara sa 54,054 na napaulat ng DOH noong Lunes.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi magmamatch ang datos ng DOH at ng PSA dahil beneberipika ng health agency ang reported COVID-19 deaths, at hindi ikinokonisdera ang incidental cases o ang mga naospital ng ibang dahilan, maliban kung nagpositibo ang resulta.

Dagdag ni Vergeire, may ilang local governments rin na hindi agad naglalagay ng corrections.

Sinabi naman ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa PSA para maisaayos ang kanilang datos. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *