Covid Update

DOH, iniulat ang 1,153 bagong kaso ng COVID; Active tally, bumaba sa 18,467

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 1,153 na mga bagong kaso ng COVID-19, na mataas mula sa 810 na mga bagong kaso noong Martes.

Batay sa datos ng DOH, bumaba ang tally ng mga active cases sa 18,467 mula sa 18,824.

Ang mga bagong kaso naman ay nag-udyok para lalo pang sumipa ang nationwide caseload sa 4,022,127.

Ayon sa DOH, nananatili ang National Capital Region (NCR) na may malaking bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 2,996, sinundan ng Calabarzon sa 1,765, Western Visayas sa 1,377, Central Luzon sa 1,048, at Central Visayas sa 941.

Samantala, ang recovery tally mula sa naturang sakit ay pumalo na sa 3,939,219, habang ang death toll naman ay umakyat pa sa kabuoang 64,441 dahil sa siyam na mga bagong fatalities. //MHEL PACIA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago