Top Stories

DOH, isinumite na ang rekumendasyon para sa pagpapalawig ng state of calamity declaration

Pormal nang hiniling ng Department of Health (DOH) kay Pangulong Bongbong Marcos na palawigin pa ang pagsasailalim sa buong bansa sa state of calamity dahil sa COVID-19.

Matatandaaan kasing nakatakda na itong mag-expire sa pagtatapos ng taon – ibig-sabihin; mawawalan na rin ng bisa ang mga inisyung emergency use authorization sa mga bakuna; at iba pang mga emergency procurements na pinahintulutan ng Gobyerno.

Sa Media Forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nagsumite na sila ng memorandum sa tanggapan ng Pangulo para irekumenda ang extension nito.

Kung maaalala – una nang sinabi ng DOH na hindi na nila ie-extend pa ang state of calamity declaration kung maisasabatas ang pagbuo ng sariling Center for Disease Prevention and Control o CDC ng bansa.

Ang kaso, nag-recess na ang sesyon sa Kongreso ngunit hindi pa rin ito naisabatas bago mag-expire ang naturang deklarasyon.

Pagpasok naman ng BF.7 Omicron subvariant sa bansa, hindi pa cause of concern

Nanindigan si Vergeire na hindi matutulad sa China ang Pilipinas matapos makapasok ang BF.7 Omicron subvariant sa bansa.

Sinabi niya na hindi pa ’cause of concern’ ang naturang variant; ngunit kailangan pa ring maging vigilant.

Sa kabila niyan, inabisuhan ni Vergeire ang publiko na kaagad mag-isolate ang mga makararanas ng trangkaso.

45% increase sa mga flu cases

Iniluat ng tanggapan na 45% daw kasi ang itinaas ng mga nagkakaroon ng flu kung ikukumpara sa datos noong nakaraang taon.

Matatandaaang noong Enero ngayong taon, nagkaroon din ng surge ng COVID-19 cases sa bansa kung saan, ang pangunahing sintomas din ay trangkaso.

Inaasahan namang sa susunod na 14 araw makikita ng DOH kung magkakaroon ba ng surge ng mga infections matapos ang nagdaang Holiday season.

Sa huli, tiniyak ng health official na hindi na ito ‘sing lala noong nakaraang taon dahil sa mas mataas na vaccination rate ng mga Pilipino.

Samantala, sinabi rin ni Vergeire na prerogatibo na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbisita niya sa China sa Enero.

Kung maaalala, nagbabala si public health advocate Dr. Tony Leachon na posibleng maging super spreader ang delegasyon ni Marcos sa China pag-uwi ng Pilipinas dahil sa nararanasang COVID-19 surge sa bansa dulot ng BF.7 subvariant.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago