DOH, maghahanap ng pagkukunan para sa COVID-19 allowance ng 805K health workers

Naghahanap pa ang Department of Health ng mas maraming pagkukunang pondo para makadagdag sa P72-billion na budget para sa COVID-19 allowance ng nasa 805,000 healthcare workers.

Kaugnay nito, inamin ni DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire, na ang kasalukuyang alokasyoon ay hindi sapat para sa lahat ng health workers, lalo na’t dahil ang DOH ay may hindi pa nababayarang allowances mula 2021 at 2022.

Umaasa naman ang DOH na makokompleto ang distribution ng payments sa lalong madaling panahon, pero depende parin umano ito sa mga proseso sa ground.

Samantala, para matiyak na wala nang delays, inirekomenda ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang mga reporma sa pagproseso ng payments, kung saan tinanggal ang memorandums of agreement, at magkaroon ng centrally managed disbursement ng pondo. Kaugnay nito, ang pulong umano ng DOH sa DBM ngayong linggo ay magpaplantsa sa lahat ng mga detalye sa distribution process.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *