DOH, may paglilinaw sa banta na dulot ng nanoplastics

Binigyang-linaw ng Department of Health (DOH) ang pinangangambahang banta ng nanoplastics o nanoparticles na sinasabing makukuha sa mga bottled water.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DOH Undersecretary at spokesperson Eric Tayag, sinabi nito na mula sa tatlong brand ng bottled water sa US isinagwa ang pag-aaral at may iba pa aniyang bagay na posibleng pagmulan ng nanoparticles.

Ayon kay Tayag, nagpaptuloy pa rin ang pag-aaral ng mga eksperto hingil dito dahil wala pang malinaw na ebidensya sa kung paano mananatili sa katawan at paano aalisin ang mga nanoplastics kung kaya ang pag-iwas sa pag-inom ng mga tubig mula sa bottled water ang kanilang maipapayo sa ngayon.

Base sa National Academy of Sciences sa US may 240,000 particles ang average na nasa bottled water at karamihan sa mga ito ay “nanoplastics” na may dalang banta sa kalusugan ng tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *