DOH, nagbabahala sa tumataas na kaso ng Chikungunya sa bansa

Tumaas ang kaso ng sakit dulot ng lamok na tinatawag na chikungunya sa bansa.

Sa tala ng Department of Health umanot sa 2,854 ang naitalang kaso ng chikungunya mula Enero hanggang Nobyembre  2023.

Tumaas ito ng 381% mula sa 593 na mga kaso na iniulat sa kaparehong panahon noong 2022.

Nangunguna ang Cordillera Administrative Region kung saan nakapagtala ito ng 1,144 sumunod diyan ang MIMAROPA, Region II at I.

Pero base sa pinakahuling datos ng ahensya nitong Disyembre bumaba na rin ang kaso ng chikungunya sa nakalipas na tatlo hanggang ika-apat na linggo.

Ang Chikungunya na ang ibigsabihin ay Contortion o pamimilipit dahil sa matinding pananakit ng kasukasuhan.

Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo, pagkapagod, pagkahilo, pagsusuka, at rashes.

Lumalabas ang sintomas sa loob ng apat na araw pagkatapos makagad ng lamok na may dala ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *