DOH, nagbabala sa publiko vs pagsisinungaling ng comorbidity para mabakunahan

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagsisinungaling at pamemeke ng kanilang dokumento kaugnay sa comorbidities para lang makakuha ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagsisinungaling kaugnay sa isang sakit ay maikokonsidera nang paglabag sa Republic Act 11332 o ang Law on Reporting of Communicable Diseases.

Giit ni Vergeire, hindi naman kailangan gawin ang naturang stratehiya, sa halip ay mag-antay lang sa pagdating ng marami pang bakuna para mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino.

Mababatid na may ilang nahuling indibidwal sa Cebu at San Juan na nagsinungaling ng kanilang comorbidities, para lang mabakunahan.

Sa ngayon, tanging ang mga health workers, senior citizens, persons with comorbidities, at essential workers ang eligible para sa vaccination dahil sa limitadong suplay ng COVID-19 vaccines. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *