DOH, nagtala ng 181 new COVID-19 deaths; Active cases, sumipa pa sa 60k

Nagtala ang Pilipinas ng 181 na mga bagong COVID-19 deaths, dahilan para tumaas ang death toll sa 21,537.

Ito na ang ikatlong araw ngayong linggo na naitala ang mahigit isang daang fatalities.

Dahil dito, ang death toll ay 1.72% mula sa kabuoang bilang ng infections, na sumipa sa 1,255,337 matapos maiulat ang 7,450 pa na mga bagong infections.

Sinabi naman ng DOH na ang active cases ay tumaas pa sa 60,794, ang pinakamataas sa halos isang buwan, na binubuo ng 4.8% ng case count.

Samantala, ang recovery count naman ay dumami sa 1,173,006 o 93.4% ng COVID-19 count, matapos na gumaling mula sa respiratory illness ang 2,382 pang katao. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *