Covid Update

DOH, nakapagtala ng karagdagang 1, 037 na COVID cases

Nakapagtala ng karagdagang 1, 037 na kaso ng COVID-19 ang Department of Health.

Batay sa latest figures ng DOH, bumaba ang aktibong kaso sa 17, 426 mula sa 17,481 na iniulat noong Martes.

Sinabi ng DOH na ang nationwide tally ay nasa 4,044,000.

Naitala ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na kaso ng impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo na may 5,375, sinundan ng Calabarzon na may 2,097, Central Luzon na may 1,066, Western Visayas na may 936, at Central Visayas na may 803 na kaso.

Ang recovery tally ay tumaas sa 3,961,780 na may 1,095 na bagong recoveries habang 24 na bagong fatalities ang naitala kung saan ang kabuuang death tally ay umabot na ng 64,794.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

6 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

6 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

6 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

6 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

6 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

6 hours ago