DOH, naniniwalang hindi pa panahon para tanggalin ang mask mandate sa bansa

Naniniwala ang Department of Health at ang ilang mga eksperto na mas makabubuti pa rin kung mananatili ang pagsusuot ng face masks ng mga Pilipino.

Ito ang naging tugon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa gitna ng mga panawagang alisin na ang face mask requirement ‘o kung ‘di naman ay luwagan ito sa outdoor areas.

Sinabi ni Vergeire na kung sila ang tatanungin, face masks ang pinakahuli nilang tatanggalin sa mga safety protocols.

Maliban kasi sa naiiwasan nito ang pagkalat ng COVID-19, malaki rin ang naitutulong ng face masks sa iba pang mga respiratory illnesses.

Sa katunayan, 40% hanggang 50% aniya ang ibinaba ng mga sakit na ito sa Pilipinas.

Inirerekumenda ng mga health officials na kinakailangan na munang masigurong manageable na COVID-19 cases sa bansa at mapalakas pa ang immunity – ibig-sabihin, mataas ang vaccination rate, pati na rin ang 2nd booster para sa eligible population.

Naniniwala rin si infectious diseases expert Dr. Edsel SalvaƱa na kaya mataas ang COVID-19 cases sa ibang mga bansa ay dahil maaga silang nagtanggal ng mask mandate.

Sa ngayon aniya, marami pa ring mga Pilipino ang pabor na mag-face mask.

Nabanggit din ni Dr. Ana Ong-Lim, isa ring infectious diseases expert na mayroong mga pag-aaral ngayon ang ilang eksperto na maliban sa pagiging isang physical barrier ng mask, posibleng nakatutulong din ito para ma-train ang immunity ng isang indibidwal.(GAB DALISAY)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *