Local News

DOH One Hospital Command Center makakatulong sa mga naghahanap ng pagamutan para sa COVID patient

CAMARINES NORTE- Makakatulong umano ang One Hospital Command Center sa mga naghahanap ng pagamutan para sa mga pasyenteng may COVID- 19 na kailangang i- admit sa ospital.

Ito ang inihayag kahapon ni acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Franciso sa isinagawang operational period briefing ng Provincial Incident Management Team na regular na ginagawa dalawang beses kada linggo.

Ayon kay Francisco ibibigay niya sa mga sususnod na araw ang hotline number ng DOH- Bicol One Command Center na maaaring tawagan.

Mababatid na umabot na sa full capacity ang isolation ward ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) kaya’t hindi na muna ito tatanggap ng COVID patient.

Bukod sa isolation ward, nasa hallway na rin ng ospital ang mga pasyente gamit ang folding beds na ang iba ay dala na mismo ng mga ito.

Sa hiwalay na panayam ng Brigada News FM Daet umapela si Francisco sa mga pribadong ospital sa lalawigan na tanggapin ang mga COVID patients na kailangang i a- admit.

Ipinaalala nito ang DOH guidelines na kailangang maglaan ng 10 percent ng kanilang bed capacity para sa COVID patient ang mga pribadong ospital habang 30 percent naman sa mga pampublikong ospital.

Ang problema, walang kakayahan ang mga mahihirap na magpa- admit sa pribadong ospital dahil sa sobrang taas ng bayarin na maging ang nakakaalwan sa buhay ay tiyak na aaray din.

Samantala, iminungkahi  ni Franciso na muling buksan ang COVID- 19 isolation ward ng Labo District Hospital (LDH) sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa lalawigan.

Matatandaan na noong isang taon ay itinalaga ang LDH na maging dedicated hospital kung saan tanging ang mga maysakit lang na COVID- 19 ang dinadala dito.

Ginawa ito upang maiwasan ang paghahalo- halo sa mga ospital ng COVID at non COVID patients.

Pero noong Enero ay ibinalik  sa normal ang operasyon nito matapos bumaba ang mga kaso ng sakit hanggang noong Marso kung saan mayroon na lang isang aktibong kaso ng COVID- 19.

Pero pagsapit ng Abril ay muling sumipa ang mga kaso ng COVID- 19 at patuloy ito sa pagtaas hanggang sa kasalukuyan.

BNFM Daet

Recent Posts

Senador Win Gatchalian, iginiit na magandang klase ang bigas na kanyang binigay sa mga nasunugang residente

Ipinagdiinan ni Senator Win Gatchalian na ang nasa 341 na sako ng bigas na donasyon…

2 mins ago

Old Balatas Dumpsite sa Naga , nasunog!

NAGA CITY- Makapal na usok ang natanaw ng mga residente sa malapit sa Balatas Naga…

7 mins ago

Albay Agri-Fiesta 2024, nakatakdang isagawa ngayong araw kaugnay ng nagpapatuloy na Magayon Festival

LEGAZPI CITY - Nakatakdang isagawa ngayong araw ang Albay Agri-Firesta Livestock Fair 2024 ayon sa…

18 mins ago

Dalaga, namaligya og shabu; paslak sa prisohan

Paslak sa prisohan ang usa ka dalaga human kini napalitan og pakete sa gituohang shabu…

18 mins ago

Construction worker, lugadan makalihis na pukpukon kan 2 dai nabistong mga suspek sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Lugadan an sarong construction worker makalihis na pukpukon an payo kaini kan…

26 mins ago

Paghihigpit ng bayan ng Labo gagawin para hindi na muling makapasok ang ASF

CAMARINES NORTE - Mas lalong maghihigpit ang Pamahalaang lokal ng bayan ng labo upang mapanatili…

42 mins ago