DOH, pinabulaanan ang umano’y COVID-19 wave sa Metro Manila

Nakapagtala ng mas mababang COVID-19 cases ang Department of Health (DOH) sa nagdaang Holiday season.

Ayon sa DOH, mas mababa ng 10% ang daily new cases na na-record mula December 26, 2023 hanggang January 1, 2024 – kung ikukumpara sa mga arawang kaso mula December 19 hanggang 25.

Nanatili ring mababa ang occupancy ng COVID ICU and non-ICU beds.

Pinabulaanan din ng DOH ang mga kumakalat na balitang mayroon daw panibagong wave ng COVID-19 sa Kamaynilaan.

Anila, walang credible evidence, at wala pang opisyal na anunsyo na nagsasabing may surge ng mga kaso nito sa St. Luke’s Medical Center.

Hinikayat ng DOH ang publiko na maging maingat sa pagshe-share ng mga balita online, at maniwala lamang sa mga lehitimong sources.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *