DOH pinatitiyak ang 100 % coverage ng bakuna sa mga health personnel

CAMARINES NORTE- Pinatitiyak ng Department of Health (DOH) na isang daang porsiento na mabakunahan ang mga health personnel na pangunahing nakikipaglaban sa COVID- 19.

Sa isang talakayan nitong Huwebes, sinabi ni DOH Bicol Assistant Regional Director Ferchito Avelino na hindi lang dapat maging target conscious ang mga probinsiya kundi dapat na tiyakin ang kaligtasan ng mga health personnel.

Nitong Lunes ay inihayag ng Camarines Norte Provincial Health Office na nanguna ang lalawigan ng Camarines Norte sa buong Bicol Region sa pagbabakuna sa mga frontliners.

Ayon kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa 6, 430 katao na kabilang sa A1 o ang workers in Frontline Health Services ay nasa 5, 882 na ang nabakunahan o 91.8 % coverage.

Tatanggap na rin simula Hunyo 7- 11 ng second dose ang mga unang batch ng mga frontliners na nabakunahan ng AstraZeneca vaccine noong Marso.

Batay naman sa latest vaccine statistics ng DOH na inilabas nitong Huwebes nasa 18, 960 na ang mga nabakunahan sa lalawigan.

Nasa isang daang porsiento nang nakapagbakuna ng first dose habang 20 porsiento ang nabigyan na ng second dose

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *