DOH – Primary COVID vax para sa 12-17y/o, sapat nang proteksyon

Inihayag ng Department of Health na ang batay sa umiiral na ebidensya, lumabalas na ang primary vaccination series laban sa COVID-19, ay nagbibigay na ng sapat na proteksyon para sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang sapat na pag-aaral kung dapat bang bigyan o hindi ang mga adolescents ng COVID-19 booster shots.

Pero sa gitna nito, handa naman umano ang gobyerno na pag-aralan ang pagturok ng booster shots, kung may sapat nang pag-aaral at kung irerekomenda ng mga global experts.

Matatandaan na sinimulan ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga menor de edad noong nakaraang taon. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *