DOH Sorsogon nanawagan ng mas seryosong pagsunod sa minimum health protocols re: 1st monkey pox case sa bansa

SORSOGON CITY – “Mas seryosong pasunod sa minimum health standards”, ito ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) Sorsogon sa publiko matapos ang pagkakatala ng unang kaso ng monkey pox sa bansa kahapon.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Dra. Gladys Escote, ang head ng ahensya sinabi nito na pareho rin naman kasi sa Covid-19 ang pag-iwas sa monkey pox at ito ay isang pandaigidgang protocol na sinusunod ng lahat.

Kaya ngayong nasa bansa na ang monkeypox ay hindi dapat magpakakampante ang lahat at mas lalo pang palakasin ang resistensya.

Sa ngayon, wala pang ibinibabang direktiba ang National Government sa mga probinsya kung mayroong mga bagong protocols na ipapatupad sa mga susunod na mga araw oras na dumami pa ang kaso ng sakit sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *