DOH: Suplay ng oxygen tank, sapat taliwas sa mga ulat ng shortage

Nanindigan ang Department of Health (DOH) na sapat ang suplay ng oxygen tanks sa gitna ng coronavirus pandemic, sa kabila na sinabi ng mga ospital at infirmaries ang umano’y kakulangan ng naturang item.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigit 1,000 na mga ospital at mahigit 500 infirmaries ang sumagot sa DOH survey kaugnay sa suplay ng oxygen tank.

Sa mga ospital na nagsumite ng datos, tatlo o 0.25% ang nagsabing nakakaranas sila ng oxygen tank shortage ng isang beses, araw-araw, 15 o 1% naman ang nagsabing isang beses sa isang linggo at 63 o 5% ang nakakaranas ng kakulangan ng isang beses sa isang buwan.

Kaugnay nito, ang natitirang 77.75% o 943 hospital ay nagsabing hindi nila naranasan ang kakulangan sa suplay ng oxygen tank.

Sa panig naman ng infirmaries, dalawa o 0.37% ang nag-ulat ng shortage sa oxygen tanks ng isang beses sa isang araw, 19 o 3.48% ang nagsabing isang beses sa isang linggo, 54 o 9.89% ang isang beses sa isang buwan at 364 o 66% ang nagsabing hindi nakaranas ng shortages. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *