DOH, tiniyak na tuloy pa rin ang trabaho kahit na wala pa ring itinatalagang Kagawaran

Tiniyak ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ‘all-out effort’ pa rin ang ipinatutupad ng kanilang Kagawaran.

Ito ay kahit na wala pa ring itinatalagang full-fledged Health secretary si Pangulong Bongbong Marcos.

Sa Media Forum, sinabi ni Vergeire na hindi mapipilay ang operasyon at health services ng Department of Health (DOH) kahit na walang opisyal na Kalihim nito.

Handa rin umano silang i-welcome ang sino mang itatalaga ng Pangulo.

Matatandaaang kahapon nang kumpirmahin ni Marcos na wala pa rin siyang nino-nominate bilang Secretary of Health.

Sabi ng Pangulo, maayos naman ang trabaho ni OIC Vergeire at hahayaan niya na munang magawa ng opisyal ang kanyang responsibildad lalo na’t hindi pa rin tapos ang pandemya ng COVID-19.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *