National

DOH, tiniyak sa publiko na ipinatutupad nang may transparency ang mga programa sa mga cancer patients na nangangailangan ng tulong

Tiniyak ng Department of Health sa publiko na ipinatutupad nang may transparency ang mga programa nito para sa mga cancer patients na nangangailangan ng tulong.

Sa media briefing, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi lamang umano DOH ang nagbibigay ng desisyon at direksyon sa programang kundi isinama at isinangguni rin aniya nila ito sa mga eksperto.

Ang National Integrated Cancer Control Council ang highest policy-making body sa cancer control sa buong bansa.

Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod ng pagbubunyag kamakailan ni Dr. Clarito Cairo Jr., ng DOH Disease Prevention and Control Bureau cancer control division program manager, na may matataas na health officials ang nagsabwatan umano sa multimillion fund para sa cancer program ng ahensiya.

Sa kabilang banda, binigyang-diin ni Vergeire na above board ang paglalaan ng pondo. Hinihintay na rin ni Vergeire na maisumite ang reklamong ito sa kanilang tanggapan upang makatugon aniya sila sa rito.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago