DOH, wala pang natatangap na notice mula WHO re: Transmission ng COVID variants sa NCR Plus

Hindi pa nakakatanggap ang Department of Health (DOH) ng opisyal na pahayag mula sa World Health Organization (WHO) kung talaga bang may community transmission ng United Kingdom at South Africa variants ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) Plus area.

Ito ang sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, matapos ihayag ni WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na may ilang degree sa community transmission ng dalawang COVID-19 variants sa NCR Plus.

Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na hindi nila isinasantabi ang naturang obserbasyon, lalo’t nakikita nila ang tumataas na bilang ng mga taong nakikilalang nahawa ng naturang mga variants.

Sa gitnA nito, pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na laging sundin ang public health standards. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *