DOJ at NBI, hinimok na isama na rin sa posibleng mapanagot ang mga leader ng Tau Gamma Phi kasunod ng fatal hazing

Pinasisilip na rin ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera ang pananagutan ng mga opisyal o lider ng Tau Gamma Phi fraternity.

Ito’y kasunod ng panibagong insidente ng hazing sa Philippine College of Criminology na ikinasawi ng fourth year student na si Ahldryn Bravante.

Hiniling ni Herrera sa Department of Justice at National Bureau of Investigation na isama na rin sa pagtukoy sa pananagutan ang liderato sa national at local chapter ng naturang fraternity.

Paliwanag ng kongresista, tila paulit-ulit nang nasasangkot ang Tau Gamma Phi sa hazing at may “systemic evil” na bumabalot sa organisasyon.

Dapat umanong mapuksa ang demonyo sa loob ng fraternity gaano man katagal ang aabutin.

Nakakapangilabot at nakakagalit aniya na ang nasa likod pa ng pagkamatay ni Bravante ay criminology students na kalaunan ay mag-a-apply sa Philippine National Police.

Kasabay nito, mariing kinondena ni Herrera ang insidente at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya at kaibigan ni Bravante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *