DOJ – handa raw ia-apela ang desisyon ng Korte para ma-hold ang paglaya ng mga pulis

Aminado ang Department of Justice (DOJ) nanababahala sila sa kaligtasan ng mga naulila ni Jemboy Baltazar.

Ito nga ay kasunod ng mas mababang hatol ng Korte laban sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng binatilyo.

Sa pulong balitaan – sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano na pag-aaralan nilang mabuti ang naging desisyon ng Navotas RTC.

Aniya, ie-exhaust nila ang lahat ng mga legal remedies para ma-hold na muna ang pagpapalaya sa limang mga pulis na suspect.

Maaari rin umano silang umapela sa Court of Appeals; at makikipagtulungan sa Office of the Solicitor General na magsisilbing counsel ng Estado.

Matatandaaang hanggang anim na taon lang ang sintensya sa isang pulis; habang mayroon ding hanggang apat na buwan sa apat na iba pang pulis, at na-acquit ang isa pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *