DOJ, hirap sa pagkuha sa kooperasyon ng mga pulis sa drug war review

Aminado si Justice secretary Menardo Guevarra na nahihirapan ito ma kuha ang kooperasyon ng law enforcers sa review ng ahensya sa drug war.

Bukod kasi sa mga restriksyon ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic, ayaw ng mga law enforcement agencies na magbahagi ng mga impormasyon dahil sa kanilang pag-aalala sa posibilidad na sila ang masisisi at makakasuhan.

Ipinunto ng kalihim na posibleng tumagal pa ng ilang buwan bago ma-ditermina kung may administratibo o kriminal na paglabag ang mga law enforcers.

Dagdag ni Guevarra, nag-aalala rin ang Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency  dahil sa Data Privacy Law.

Anya, iniisip kasi ng mga police at ng PDEA agent kung magiging tama sila sa mga ipormasyon na pwede nilang ibahagi sa drug war review panel.

Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Guevarra sa National Privacy Commission sa pagtitiyak na legal ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice.

Samantala, pinuri naman ni Guevarra si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar dahil sa pagiging open-minded nito sa review process.

Mababatid na inihayag ni Eleazar na kaya ng opisina nito na ibahagi ang mga dokumento kaugnay sa 61 police operations sapagkat naibasura na ng korte ang libo-libong iba pang mga kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *