DOJ ibinulgar ang mga DA officials na sangkot sa onion smuggling

Pinangalanan na ng Department of Justice (DOJ) ang mga opisyales ng Department of Agriculture na sangkot na naman sa onion smuggling.

Sa pulong balitaan, isiniwalat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maghahain sila ng kasong graft and corruption laban kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista at Bureau of Plant Industry officers-in-charge Junibert de Sagun at maging si Glenn Panganiban.

Bukod dito, pakakasuhan din ang tatlo ng administrative cases dahil sa kanilang incompetency at ineffficiency.

Una nang nag-file ang ahensya ng kasong kriminal laban sa anim na indibidwal; kasama na rito ang tatlong DA officials at ang Bonena Multipurpose Cooperative dahil sa hoarding at profiteering.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *